TV

WATCH: Ang mga workout ni 'Encantadia' star Rochelle Pangilinan

By BEA RODRIGUEZ

Todo workout rin ang preparasyon ng bagong gaganap kay Agane sa Encantadia na si Kapuso dance diva Rochelle Pangilinan. 

 
Sinamahan kanina ni Unang Hirit host Luanne Dy ang aktres sa gym upang malaman kung ano ang kanyang mga ginagawang paghahanda para sa role.
 
Bukod sa gym workouts, meron ring ibang exercises ang morena beauty para mapanatili ang kanyang fit na pangangatawan. Binahagi niya ito sa kanyang malapit na kaibigan, “Every morning, tumatakbo ako [sa UP Diliman Academic Oval]. Lagi kitang niyayaya [pero] ayaw mo (laughs) tapos ‘yung swimming Mars na ako [naman ang] niyayaya mo.” 

 
Ayon sa fitness trainor ni Rochelle, focused raw ang kanilang workout sa abs, “Kay Ma’am Rochelle, laging hardcore workout pagdating sa core.” Ito raw ay dahil sa kanyang hilig sa popcorn at tinapay, ayon naman kay Luanne.
 
Matindi ang pinagdadaanan ng Encantadia stars kaya mas gaganahan kayong manuod ng requel nito. Saad ng Kapuso star, “Grabe ‘tong workout namin. Malapit na ang Encantadia [kaya] panoorin niyo!” 

 

 

 




MORE ON ENCANTADIA:
 
Luane Dy sinubukan ang bagong workout ni Encantadia Sang'gre Alena
 
#NoPainNoGain: Kylie Padilla gets hurt while training for 'Encantadia'