Showbiz News

Mark Herras, gaganap bilang parlorista sa bagong show ng GMA na 'Conan, My Beautician'

By FELIX ILAYA

Doble kayod talaga ang tinaguriang "Bad Boy of the Dance Floor" na si Mark Herras, dahil bukod sa afternoon soap na Sa Piling ni Nanay, magkakaroon pa siya ng isa pang show na Conan, My Beautician kung saan gagampanan niya ang titular character na si Conan.

Habang nasa story conference ng Conan, My Beautician, nakapanayam ni Lhar Santiago ang Kapuso actor.

Ayon kay Mark, "Sobra po akong nagpapasalamat, specially unang-una sa GMA for trusting me once again na ipakita 'yung kaya kong ipakita and after a very very long time, ngayong lang ulit ako nabigyan ng role na talagang iikot 'yung story sa akin."

Gaganap si Mark bilang Conan, isang tunay na lalaki na nagpapanggap bilang bakla upang makapagtrabaho sa parlor. Ginagawa niya ito upang masustentuhan ang pangangailangan ng kaniyang ina na nasa ospital.

Maliban sa pagiging lead character ng show, excited din makatrabaho ni Mark ang Miss World 2013 na si Megan Young.

Aniya, "Batch 2 si Megan (Young) from StarStruck, ako Batch 1, and then doon lang talaga kami nagkakilala ni Megan so this is our first project together."

Ayon kay Mark, kaya daw siya nagdo-doble kayod sa trabaho ay upang makapag-ipon ng pera para sa hinaharap ay makapag-propose sa girlfriend niyang si Winwyn Marquez.

"Ayoko namang mag-propose ng hindi ko kaya bumuhay ng isang tao or ng isang pamilya," sabi ni Mark.

Panoorin ang buong ulat ni Lhar Santiago below:

 



MORE ON MARK HERRAS:

 

Mark Herras performs Bonnie Tyler's 'Holding Out for a Hero' | Lip Sync Battle Philippines

Mark Herras and Wyn Marquez spend time together in Hong Kong

READ: Mark Herras's profession of love to Winwyn, makes a promise to prove all his detractors wrong