Showbiz News

Janine Gutierrez, independent living na sa kanyang sariling condo unit

By CHERRY SUN

Bagong karanasan para kay Janine Gutierrez ang mamuhay nang mag-isa ngayong nakalipat na siya sa sarili niyang condo unit at lumisan sa dating tinitirahan nilang mag-iina.

Ngayong independent living na ang Kapuso actress, na-a-appreciate niya ang gabay at tulong ng kanyang mga magulang.

LOOK: Ex-couple Lotlot de Leon at Ramon Gutierrez reunite at housewarming of daughter Janine Gutierrez’s condo unit

“Ngayon lang po ako nagkaroon ng sarili kong ku'warto tapos ‘yung gigising ka na walang nakaluto dahil ikaw dapat magluto,” aniya sa panayam ng 24 Oras.

“Ang laking tulong din talaga na nandyan ‘yung pamilya ko, nakasuporta. Si mama 'pag may itatanong ako sa mga pagkain, si Papa 'pag ‘Pa, paano ba ‘tong TV na ‘to? Or ‘yung shower?’ Ganyan,” dugtong ni Janine.

Sa parehong ulat ay ipinagmalaki rin niya ang mga natatanggap na feedback tungkol sa kanyang Kapuso primetime series na Once Again.

Bahagi niya, “Kapag nakakatanggap ako ng mga tweet ng mga sumusubaybay na nagugustuhan talaga nila ‘yung kuwento, sobrang natutuwa din ako at saka lalong pressure na magawa ng mabuti ‘yung binibigay ng mga writers sa amin.”

Dagdag din niya ay mas malapit sila ngayon ng kanyang leading man na si Aljur Abrenica.

Kuwento ng aktres, “Napakakulit pa rin niya. At saka since medyo dumadami ‘yung mga malalaking eksena, mga seryosong eksena, talagang sinusubukan din po talaga naming magtulungan.”

 


Video courtesy GMA News

MORE ON JANINE GUTIERREZ:

READ: Janine Gutierrez reacts to her mom Lotlot de Leon's plan to remarry

#PinagbiyakNaBunga: Pilita Corrales and Janine Gutierrez