Showbiz News

Kim Domingo, confident ba na mananalo bilang 2016 Sexiest Pinay?

By AEDRIANNE ACAR

Bagama’t isa ang Kapuso bombshell na si Kim Domingo sa mga top contenders sa FHM 100 Sexiest list ngayong taon, hindi raw nag-e-expect ang Bubble Gang comedienne na siya ang tatanghaling sexiest Pinay.

IN PHOTOS: 15 hot babes who made noise on social media this summer

Sa panayam ni Cata Tibayan para sa Chika Minute ng 24 Oras kagabi, June 9 sa dalaga, makapasok lamang sa listahan ay masaya na raw ang aktres.

Aniya, “Hindi na ako naghahangad nung top spot. Basta I mean, makapasok lang ako, dream ko before ‘yung makarampa ako sa 100 Sexiest 'yun, so excited din ako.”

Marami ring mga Kapuso televiewers ang pumuri sa bagong pantasya ng bayan nang finally ay napanood na ang dalaga sa hit GMA Telebabad series na Juan Happy Love Story kamakailan.

Si Kim ang gumaganap sa role ni Agatha na siyang magiging hadlang sa pag-iibigan ng mga karakter ni Heart Evangelista (Happy) at Dennis Trillo (Juan).

“Madami talagang nag-aabang kasi inupload na rin siya sa GMA page, so nakita nila na parang patikim parang ganun.”

Nausisa rin ni Cata si Kim na since kaka-break lang niya mula sa kaniyang boyfriend, ano-ano bang katangian ang hinahanap niya sa isang lalaki na muling magpapatibok ng kaniyang puso.

Saad ni Kim, “God-fearing tapos mabait 'tsaka ‘yung alam mo ‘yun kahit kayo na araw-araw kang liligawan ‘yung ganun ba, hindi nagbabago. Sweet, yes that’s important!”

MORE ON KIM DOMINGO:

WATCH: "Galawang hokage" ni Paolo Contis kay Kim Domingo, patok online! 
 
EXCLUSIVE LOOK: Kim Domingo's red swimsuit scene in 'Juan Happy Love Story'