Showbiz News

Paano sinabihan ni Ogie Alcasid si Regine Velasquez ng 'I love you' sa unang pagkakataon?

By BEA RODRIGUEZ

 
Ayon sa dating Kapuso star na si Ogie Alcasid, may iba’t ibang bersyon ng pagbibigkas ng “I love you” kung saan malalaman ang totoong intensyon ng isang tao.
 
Binahagi ng singer-songwriter sa Mars ang tono at paraan ng pagsabi ng matatamis na kataga. “Pwede niyo gamitin ‘yun at doon niya malalaman kung ang lalaki ay tama ang intensyon sa pamamagitan ng pagsabi ng ‘I love you.’”
 
Pinanghahawakan ito ni Ogie dahil nangyari na ito sa kanyang buhay pag-ibig noong nasa “Getting to know each other” stage pa lang sila ng kanyang mabuting kaibigan na si Asia’s Songbird Regine Velasquez  na ngayon ay asawa niya na.
 
Kuwento ng beteranong mang-aawit, “We were in this get-to-know-you stage and bigla na lang ako nag-isip ng ganun. [Sinabi ko sa kanya,] ‘Alam mo Regine, doon mo malalaman kung may gusto talaga ang lalaki sa ‘yo sa pamamagitan ng ‘I love you.’ Tapos tinanong niya ‘Paano malalaman kung totoo nga?’ Eh d ganito, ‘I love you,’ and then there was silence.”
 

 


MORE ON OGIE ALCASID:
 

Ogie Alcasid promises to sing for Camille Prats' bridal march
 
Ogie Alcasid dedicates new album to wife Regine Velasquez