Showbiz News

What makes Andrea Torres different according to Mike Tan

By MICHELLE CALIGAN

Tatlong buwang nagsama bilang Ivan at Louisa sina Mike Tan at Andrea Torres sa Afternoon Prime drama na The Millionaire's Wife. Walang ibang nasabi ang aktor patungkol sa kanyang leading lady kungdi ito ay naiiba sa mga dati niyang nakatrabaho.


"She's different sa mga nakatrabaho ko na. Hindi ko in-expect na ganito siyang klase magtrabaho. Kasi first time namin magkasama sa isang serye na tatlong buwan eere. Madalas nagkakasama kami sa Magpakailanman, 'yung dalawang taping days lang," he tells GMANetwork.com and a group of entertainment bloggers during a recent set visit.

READ: Bakit natulala si Andrea Torres kay Mike Tan?

He says that he has not seen anyone who has the same kind of dedication that Andrea has.

"Nakakagulat 'yung dedication niya sa work, walang biro, walang pambobola. Nakakabilib ang dedication niya, 'yung passion niya sa trabaho, 'yung pagiging open niya sa bagong ideas para matuto. Kahit sa akin, nakikinig. Of course, kay Tita Jane (Jaclyn Jose)."

MORE ABOUT 'THE MILLIONAIRE'S WIFE':

EXCLUSIVE: Ano'ng sinasabi ng asawa ni Ina Raymundo sa maiinit niyang eksena sa 'The Millionaire's Wife?'

Jaclyn Jose reveals reason why she accepted 'The Millionaire's Wife'