Showbiz News

EXCLUSIVE: Ano ang malakas makapagpapogi para kay Aljur Abrenica?

By BEA RODRIGUEZ

 
Marami ngayon ang nagaguwapuhan kay Kapuso star Aljur Abrenica, lalong-lalo na bilang si Aldrin sa kanyang pinagbibidahang GMA Telebabad soap na Once Again.
 
Inusisa ng GMANetwork.com ang aktor kung ano ang kanyang ginagawa upang magpapogi, “Don’t try. ‘Wag kang mag-try maging gwapo, act normal lang. Kung saan ka masaya, doon ka at saka [uminom ng] maraming tubig kasi sobrang init.”
 
Mas nakakatimbang pa raw sa papogi points kung hindi lang puro sarili ang iniisip mo. Ani, “Gumawa ka lang ng mabuti sa kapwa mo [kasi] malakas maka-gwapo ‘yun.”
 
Tila good boy raw ang Kapuso star sa totoong buhay at may paniniwalang pinanghahawakan. Paliwanag ni Aljur, “It’s a matter of perspective. I always see the good in people. Kung may hindi man maganda, for me, I don’t see that kasi naniniwala ako ang bawat tao kahit ano man ang entitlement ng society natin, tao pa rin ‘yan at naniniwala ako mabuti ang tao.”
 
MORE ON ALJUR ABRENICA:
 
7 reasons why Aljur Abrenica is the ultimate dream guy

Aljur Abrenica stresses importance of family in his career