Showbiz News

Gamitin ang inyong detective skills sa 'Barbie Spy Squad'

Magagaling na gymnasts sina Barbie, Teresa, at Renee. Dahil dito, mapapansin sila ng isang top secret na spy agency at ire-recruit bilang secret agents. 

Ang una nilang assignment ay hulihin at pigilan ang isang misteryosong tao na nagnanakaw ng mga mamahaling brilyante. 

Gamit ang kanilang gymnastics skills, iba't ibang disguises, pati na high-tech na gadgets, magtutulong tulong sina Barbie, Teresa, at Renee para mabawi ang mga brilyate at mahuli ang magnanakaw. 

Magtagumpay kaya ang tatlong newbie detectives?