Showbiz News

EXCLUSIVE: Ano ang payo ni Nova Villa sa tuwing mabubulol sa taping ang co-star nito na si Ronnie Henares?

By AEDRIANNE ACAR

Patok sa mga Kapuso televiewers ang tandem nina Ronnie Henares at Nova Villa sa hit Saturday night sitcom na Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento.

Ginagampanan ni Tita Nova ang role ni Mimi na nanay ni Deedee Kho at si Ronnie naman ang nagbibigay-buhay sa tusong si Tommy.

Sa exclusive na panayam ng GMANetwork.com kay Ms. Nova Villa na madalas daw mabulol ang co-actor niya na si Ronnie sa taping nila sa Pepito Manaloto.

Kuwento niya, “Nakakatawa rin si Tommy 'di ba! Si Tommy kasi bulol 'yan, because he is English-speaking hirap talaga mag-Tagalog 'di ba.”

Pero pinayuhan daw niya si Ronnie na huwag ma-conscious kapag nagkakamali, dahil bumebenta daw ito sa mga televiewers.

Paliwanag ng aktres, “Pero, sinasabi ko sa kanya ‘Just go ahead, cute ka nga pag bulol ka eh. Kasi sorry nang sorry sa akin kapag ilang take 'yan eh. Ilang beses nagte-take.”

“Alam mo Tommy ganyan ang Chiks to Chiks nung araw nung kami nila Freddie Webb, kako hindi namin kina-cut 'pag kami ang nagkamali, tapos kami mismo natatawa hindi na namin kina-cut sinasabi namin continue.”

Dagdag niya, “'Yung tawa namin na alam mong bulol ‘to kunwari ganyan, natawa kami you know ang lakas nang impact sa audience. Natatangay din ang audience dun eh.”

MORE ON PEPITO MANALOTO:

'Pepito Manaloto' Bloopers: ChiNikki overload!

#IdealMan: Funny Kapuso Hunks