Showbiz News

WATCH: Rogelia, nakasakay sa maleta pauwi ng Pilipinas?

By CHERRY SUN

Noong simula ng Hunyo ay nagpahiwatig si Sinon Loresca na muli siyang babalik sa Pilipinas. At hindi nga niya tayo binigo dahil nasa bansa na muli ang Rogelia ng Kalyeserye.

READ: Rogelia, malapit na bang mapanood muli sa Eat Bulaga? 

Mapapanood sa Facebook account ni Sinon ang isang kwelang video kung saan tila lulan siya ng isang maleta pauwi ng Pilipinas.

“Pak! Aray, aray,” panimula niya habang bumabangon sa pagkakasiksik.

“Mabuhay! Welcome to my country, Philippines,” patuloy niyang pagbati.

 

Sa isa pa at nauna niyang video sa Facebook ay nabanggit din niya na nasa bansa siya para magtrabaho. Gayunpaman, excited din siyang muling makasama at magpasaya sa kanyang mga Pinoy fans at dabarkads.

Sambit din niya, “I’m going to the Philippines. Ang pagbabalik ng nag-iisang kabogera. Charot! Thanks to all of you. I’m gonna see you soon, guys. ”

 

MORE ON SINON LORESCA:

IN PHOTOS: Meet Sinon Loresca a.k.a. Rogelia, ang bagong bodyguard ni Lola Nidora

READ: Sinon Loresca, nag-donate ng kidney sa kapatid kaya nakarating sa London 

WATCH: These videos of Sinon Loresca a.k.a. Rogelia will make you laugh