Showbiz News

GMA remake ng 'Sinungaling Mong Puso' at cast nito, kasado na!

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com


Kahapon, June 20, ginanap ang story conference ng bagong proyekto ng GMA Afternoon Prime—ang remake ng 1992 movie na Sinungaling Mong Puso.

Isa itong pelikula mula sa Regal Films na pinagbidahan nina Vilma Santos, Gabby Concepcion, Aga Muhlach, Aiko Melendez at Alice Dixson.

Umikot ang kuwento nito sa tauhang si Clara na magkakaroon ng relasyon sa mas batang lalaki para matakasan ang pagmamalupit ng kanyang asawa. 

Bibigyang buhay naman nina Rhian Ramos, Rafael Rosell, Kiko Estrada at Jazz Ocampo ang magiging adaptasyon para sa GMA Afternoon Prime. 

Makakasama din nila sina Stephanie Sol, Gee Canlas, Glydel Mercado, Cheska Diaz, Gab de Leon at JC Tiuseco. Tampok din sa serye sina Michael de Mesa at Sherilyn Reyes. 

Si actor-director Ricky Davao naman ang magsisilbing direktor nito. 

Sa story conference, pormal na ipinakilala sa isa't isa ang cast at crew, ibinigay ang mga kopya ng script at tinalakay ang mga kailangan para sa proyekto.

Excited naman ang lahat na dalhin ang kuwento ng Sinungaling Mong Puso sa makabagong panahon at bigyan ito ng bahagyang sexy twist.

"I think I speak for all of us when I say that we're all honored to be a part of this show dahil alam namin na talagang acting piece siya para sa aming lahat. I see this show as an ensemble piece and it really requires everyone to give 100 percent. As actors and as lovers of our craft, it's really an honor for us to receive a project like this," pahayag ng lead actress na si Rhian. 

Patuloy na mag-log on sa GMANetwork.com para sa mga bagong detalye tungkol sa Sinungaling Mong Puso. 

MORE ON GMA AFTERNOON PRIME:

IN PHOTOS: GMA Afternoon Prime's damsels in distress

GMA Afternoon Prime kontrabidas we love to hate

GMA Afternoon Prime's knights in shining armor