Showbiz News

EXCLUSIVE: Aljur Abrenica, bakit dalawang taon nang single?

By BEA RODRIGUEZ

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
 

Maingat na ngayon ang Once Again star na si Aljur Abrenica pagdating sa kanyang buhay pag-ibig nang dahil sa mga dati niyang karanasan.
 
Huli niyang nakarelasyon ang kapwa Kapuso star na si Kylie Padilla at tumagal ito ng mga tatlong taon. Minsan ring na-link si Aljur sa Magkaibang Mundo actress na si Louise delos Reyes.
 
Dalawang taon na raw siyang single ngunit hindi niya ito minamadali, “Kung darating, darating.”
                                          
Kahit nakikipag-date ang binata, pinipili niya pa ring manatiling single. Saad nito sa eksklusibong panayam ng GMANetwork.com, “Puwede naman ako magka-syota anytime kung pipiliin ko talaga pero choice ko kasi [ito].”
 
Dahil sa mga pinagdaan niya sa pakikipagrelasyon, sinisigurado na ng 26-year-old actor ang kanyang pinapasukan, “Lagi kong tanong sa sarili ko, ‘Nada-divert ba ang atensyon ko? Makakasagabal ba siya sa goal [ko] sa pagkakakilala ko sa tao? Makakabuti ba [ako] sa kanya? Maibibigay ko ba ‘yung mga naturales na hinihingi niya?’”
 
Dagdag pa ni Aljur, “I always make sure na ‘di maapektuhan ‘yung trabaho, ‘yung pamilya, lalong-lalo na ‘yung babae [at] kung ano ang ginagawa niya sa buhay. ‘Di dapat ako makakaapekto, kung makakaapekto man ako, dapat mabuti sana.”
 
Hindi pa raw niya nakikita ang taong bibigyan niya ng espesyal na atensyon at wala rin daw siyang ideal girl, “Nagustuhan ko lang sila kasi nagustuhan ko lang sila. It’s more than maganda, seksi, mabait.” Ibang perspektibo na ang kanyang tinitingnan, “[Sa] dala ng panahon, tadhana, ang pamilya, trabaho [at] puso.”
 
Sa kanyang edad ngayon, kinakailangan daw itong pinag-iisipan nang mabuti, “’Wag madaliin, manigurado, ‘wag pabugso-bugso [at] i-enjoy mo lang ang flow. Kung kayo talaga, mangyayari’t mangyayari ‘yan. Kung sa palagay mo may tatapakan kang tao, ‘wag mo munang ituloy.”
 
MORE ON ALJUR ABRENICA:

 
Aljur Abrenica, nanliligaw sa kanyang 'Once Again' co-star na si Janine Gutierrez?
 
Aljur Abrenica stresses importance of family in his career

EXCLUSIVE: Ano ang malakas makapagpapogi para kay Aljur Abrenica?