Showbiz News

'Once Again' stars Janine Gutierrez at Aljur Abrenica, parehong malapit sa kanilang ama

By BEA RODRIGUEZ

Kung merong pagkakatulad ang Once Again stars na sina Janine Gutierrez at Aljur Abrenica, ito ay ang pagiging malapit sa kanilang mga ama.
 
Hindi kinalimutan ng Kapuso stars na batiin ang kanilang mga mahal sa buhay noong Father’s Day.
 
“[I] love you, Papa!” ang paunang sinabi ng aktres sa kanyang Instagram post dahil ito rin daw ang sinasabi ng ama slash “hero” niya na si Ramon Gutierrez tuwing tinatawagan siya nito. 


Kahit hiwalay na ang kanyang mga magulang, nanatiling suportado si Monching sa kanya at sa mga kapatid nito.
 
READ: Janine Gutierrez's new home
 
Samantala, talento naman sa pagkanta ang namana ni Aljur sa kanyang tatay na isa ring musikero. Hanga siya sa magulang na itinuturi niyang “mentor, protector and epitome of a gentleman.”
 
Kilalang sweet ang binata kaya pati sa kanyang post ay nailabas niya ang kanyang damdamin, “[I] love you, erpats.” 


READ: The importance of his family in Aljur Abrenica's career