TV

'Encantadia' star Sanya Lopez, palaban din daw gaya ni Danaya?

By FELIX ILAYA

Palakpakan at hiyawan ang sumalubong sa Encantadia nang lumabas sila sa ToyCon noong June 11 sa SMX Convention Center, Pasay.

Nang makapanayam si Sanya Lopez ng GMA News sa naturang event, inamin ng aktres na natuwa siya nang makita niya ang supporters ng Encantadia. "Nakakakilabot at ang sarap sa feeling na ang daming sumusuporta sa Encantadia kaya maraming-maraming salamat."

Gagampanan ni Sanya ang karakter ni Danaya at sinabi niya na madami raw silang pagkakatulad.

"Ako dito si Danaya at siya 'yung bunso sa mga magkakapatid. Siya 'yung may pinaglalaban, matapang at may paninidigan. Unang-una sa lahat, pareho kaming bunso ni Danaya. Pareho kaming matapang, medyo malakas ang loob ko," saad ni Sanya.

Malaki ang pasasalamat ni Sanya kay Francis Libiran na siyang nag-design ng gown ng kaniyang karakter. "Feeling ko ang gorgeous-gorgeous ko today kasi Francis Libiran [ang suot ko]."

Sa huli ay nag-iwan ang aktres ng maikling mensahe para sa mga fans niya.

Aniya, "Sa lahat ng sumusuporta sa akin, maraming-maraming salamat dahil ramdam na ramdam ko 'yung pagmamahal at init ng suporta n'yo kahit bago ako. I love you!"

Habang nasa ToyCon, nakilala ni Sanya ang ilang international artists gaya nina Mario Maurer at Dean Cain.


MORE ON SANYA LOPEZ & 'ENCANTADIA':

Ano ang natutunan ni Sanya Lopez nang makuha niya ang role na Danaya sa 'Encantadia'?

READ: 'Encantadia' star Kylie Padilla, umaming may geeky side

WATCH: 'Encantadia' cast, todo hataw sa kanilang #TrumpetsChallenge