Showbiz News

Sunshine Dizon files case against husband, Timothy Tan

By GIA ALLANA SORIANO

Naninindigan si Sunshine Dizon sa pagsampa ng kaso sa kanyang asawang si Timothy Tan. Pagkatapos malaman na may ibinabahay ang kanyang asawa, hindi nagdalawang isip ang aktres na dalhin sa korte ang kaso.
 
Ika ng kanyang abugadong si Atty. Clair Castro sa 24 Oras, “Kumpleto na kami ng ebidensya. Pati yung mga tao sa paligid ng kanyang asawa umamin na na talagang ibinahay niya yung babae sa 12th floor ng same building. So, malaking laban na ito ni Sunshine.”
 
January pa raw hindi umuuwi ang asawa ng aktres sa kanilang bahay, nalaman na lang ni Sunshine na nakatira na pala ito sa ibang floor ng building kung saan nakatira rin siya at ang kanyang mga anak.
 
Nagbigay din naman ng official statement si Timothy Tan: "However, we have both concluded that an annulment is warranted. I wish to express that in spite of the said circumstances, I will never disregard my obligations as a father."
 
Wala naman daw plano pa si Sunshine mag-file ng annulment. Sabi ng kanyang abogado: “As of this time wala pang plano si Shine mag-file ng petition for annulment of marriage kasi kailangan niya ilaban talaga yung karapatan bilang legal na asawa, at ito ay para rin sa kaniyang mga anak.”
 
Inamin din ng aktres na mahirap ang pinagdadaan niya at ng kanyang pamilya ngayon. Aniya, "Hindi po madali ang pinagdadaanan ko ngayon at ng mga anak ko. I'm trying my best to keep everything private but my situation as an actress makes it difficult to keep everything away from the public."
 
Wala rin naman balak ang aktres mag-back down sa kaso. Ika niya, "As a wife and mother who uncovered lies, hindi po tama siguro na ako ay manahimik lamang, and I will assure everyone that I fill finish this legal battle until the end."

MORE ON SUNSHINE DIZON AND TIMOTHY TAN: 

Was Sunshine Dizon's husband cheating on her with this woman?
 
Sunshine Dizon to her husband: "No annulment for you.. I will see you both in court"

MUST-READ: Sunshine Dizon's husband releases official statement via '24 Oras'