TV

Glaiza de Castro at Gabbi Garcia, nilinaw na hindi sila nakikipagkompitensya sa orihinal na 'Encantadia'

By AL KENDRICK NOGUERA

Sa pagbabalik-telebisyon ng Encantadia ngayong taon, hindi maiiwasang maikumpara ito sa orihinal na telefantasya na sumikat noong 2005.

Hindi nakaiwas sa isyu ang dalawa sa bagong cast na sina Glaiza de Castro at Gabbi Garcia na siyang gaganap bilang Sang'gre Pirena at Alena. Ayon sa dalawang Kapuso actress, hindi raw nila kailanman nais lamangan ang dating Encantadia.

IN PHOTOS: 'Encantadia' Sang'gres in their warrior costumes

"Hindi naman 'to kompetisyon pero masasabi namin na maraming naidagdag," paliwanag ni Glaiza. "Mas na-enchance ['yung show]," dagdag pa ni Gabbi.

Pero mayroong pangako ang dalawa sa mga nag-aabang sa Encantadia requel. Ani Glaiza, "Hindi namin sila bibiguin kasi siyempre lahat ng characters na minahal nila naroon pa rin at bibigyan pa namin ng maraming kulay at marami pang characters na idaragdag. So 'yung mga tanong nila dati, maaaring masagot namin ngayon."

Saad naman ni Gabbi, "'Yung Encantadiks, they deserve all the best kaya 'yon ang pinaghahandaan at pinagpupursigihan namin ngayon. Talagang pinagpapaguran namin lahat ng bawat eksena so I'm sure magugustuhan nila 'to."

MORE ON ENCANTADIA: 

'Encantadia' star Gabbi Garcia says she and Alena have a lot in common

John Arcilla, napapagod gampanan ang role ni Haring Hagorn?

Direk Mark Reyes to millennials: "Encantadia will never have the omnipotent budget of Game of Thrones"