Showbiz News

Full trailer ng 'Imagine You and Me,' mapapanood sa 'Eat Bulaga'

By MICHELLE CALIGAN

Hindi nakatiis si Alden Richards na ilihim ang surprise nila ni Maine Mendoza sa kanilang fans. Ito ay patungkol sa full trailer ng kanilang upcoming movie na Imagine You and Me.

READ: Aldub, nagpakilig sa theme song ng pelikulang 'Imagine You and Me'

Kaninang umaga, June 25, ay inanunsiyo ni Alden sa kanyang Twitter account ang kanilang pasabog.

"Hindi na namin mapigilang i-secret pa ang treat namin ni Maine para sa inyo. "Full trailer" ng Imagine You & Me, mamaya sa Eat Bulaga!" saad niya.

Nitong nakaraang linggo ay inilabas ang unang pasilip sa kanilang pelikula.

LOOK: Alden Richards and Maine Mendoza, isinapubliko na ang unang teaser ng kanilang pelikula

Abangan ang kanilang full trailer ngayon sa Eat Bulaga!

MORE ON ALDEN AND MAINE:

'Imagine You and Me,' may international screening?

How did the making of "Imagine You and Me" affect AlDub's relationship?