Showbiz News

Camille Prats, tuwing kailan nagmamaldita?

By BEA RODRIGUEZ

 

Maamo ang mukha ni Kapuso star Camille Prats at madalas siyang gumaganap bilang bida na inaapi. 

May mga pagkakataon naman kayang lumalabas ang kanyang kontrabida side?
Pag-amin ng aktres, “’Pag nadadala ka Mars sa isang sitwasyon na naagrabyado ka, ‘yun ang mga moments na lumalabas ang pagka-maldita ko, kapag you intentionally do something para lang ilagay [ako] sa alanganing sitwasyon na medyo nakakabastos in such a way.”
 
Punong-puno ng emosyon si Mars Camille nang ikuwento niya ito at magkasalungkat ang kanyang ginagawa sa telebisyon at sa totoong buhay.
 
“Doon talaga lumalabas ang pagka-kontrabida ko Mars kasi hindi naman ako papayag [na] gaganun-gaganunin [lang ako]. Kailangan [ko] rin rin kahit papaano i-defend ang sarili [ko], lalo na kapag medyo inaatake [ako] in a negative way or in a provoking manner,” dagdag ng Kapuso star.

 

 “‘Yung mga taong walang dangal sa work nila” ang pinaka-ayaw naman ni Mars host Suzi Abrera. “Tamad, doon ako naiirita!” bulalas niya.
 
Ito raw ang mga taong walang ka-effort-effort o hindi inaaral ang kanilang trabaho ngunit tumatanggap ng sahod. Inis na inis si Mars Suzi dahil kung kung tutuusin raw, “There’s so many other people na deserving kung nasaan ka, [and] when you’re put there, you are given that opportunity.”
 
“Sayang ‘yung chance kung ‘di mo siya kaya,” pagtatapos ng birthday girl.
 
MORE ON CAMILLE PRATS:

Camille Prats, nangbato ng laptop sa sobrang galit

How does Camille Prats react to offensive comments?