Showbiz News

Camille Prats, sumabak sa kanyang unang 5k run

By MARAH RUIZ

Sumali si Kapuso actress and host Camille Prats sa charity fun run ng Christian relief and development organization na World Vision Philippines. 

Ito ang kauna-unahang 5k run ni Camille at kasama niya rito ang kanyang Mars co-host na si Suzi Abrera.

Ipinahayag din ni Camille and kanyang paghanga kay Suzi dahil tila napakadali lang para dito ang limang kilometrong itinakbo nila.


"Ran my first 5k with my fitspiration ate @suziabrera walang wala sakanya ang 5k!! all for the love of @worldvisionphl!," sulat ni Camille sa kanyang caption. 

Ang World Vision Run 2016 ay ginanap noong June 26 sa Pasay. Ang perang makakalap dito ay mapupunta sa mga programa ng grupo para labanan ang malnutrisyon sa mga bata.

MORE ON CAMILLE PRATS:

Camille Prats posts a touching birthday message to her 'Mars' co-host Suzi Abrera

Camille Prats, tuwing kailan nagmamaldita?

Camille Prats, mas naintindihan ang mga katagang 'Thank you' nang dumating si Nathan sa kanyang buhay