Showbiz News

'Sa Piling ni Nanay' stars Yasmien Kurdi, Mark Herras at Katrina Halili, pinag-usapan ang surrogacy

By BEA RODRIGUEZ

Kumplikado ang paksa ng bagong pagbibidahang GMA Afternoon Prime soap na Sa Piling ni Nanay nina StarStruck Season 1 alumni Yasmien Kurdi, Mark Herras at Katrina Halili dahil hindi pa gaanong laganap ang surrogacy dito sa Pilipinas. 


“Actually, medyo sensitive ang istorya kaya dapat nilang abangan ‘tong Sa Piling ni Nanay para malaman nila kung okay ba na idea ‘yung gagawin nila Kat at Ben (Alves) para magkaroon ng baby sa ibang tao kasi medyo mahirap sa part [ni] Yas,” paliwanag ni Mark.
 
Nag-react naman ang lead star na si Yasmien Kurdi sa Unang Hirit tungkol sa isyu, “Nagulat ako kung legal ba talaga or hindi legal sa Philippines at kung paano ba talaga ang surrogacy.”
 
Ayon naman kay Katrina, isang malaking risk ang proseso dahil sa magiging attachment ng carrier ng bata sa kanyang iluluwal dahil “may possibility na magustuhan niya ‘yung baby kasi dala-dala mo ng nine months.”
 
Masisilayan ang kontrobersyal na teleserye sa direksyon ni Gil Tejada pagkatapos ng Hanggang Makita Kang Muli.
 
“Mga Kapuso, sana suportahan niyo kami,” pagtatapos ni Mark.
 
MORE ON 'SA PILING NI NANAY':


LOOK: The cast of 'Sa Piling Ni Nanay'