TV

John Arcilla, natupad ang pangarap na magkaroon ng isang fantasy role dahil sa 'Encantadia'

By AL KENDRICK NOGUERA

"Ang tagal-tagal ko nang pinapangarap na magkaroon ng isang character sa film or sa TV na fantasy," 'yan ang bungad ni John Arcilla nang tanungin siya tungkol sa kanyang Encantadia role sa isang exclusive interview ng GMANetwork.com.

Ayon kay John na gaganap sa kontrabidang si Hagorn, mahilig daw siya sa fantasy films noon pa man. "I love watching Narnia, Lord of the Rings, X-Men, etc. Mahilig ako sa mga ganyan, sa spectacular productions. In fact, mas nanonood ako ng mga ganoon kaysa roon sa serious stories kasi ginagawa na natin 'yan eh," saad niya.

Dagdag pa niya, "I do indie films. Pero pagdating sa 'kin [bilang] manonood, gusto ko naman na 'pag manonood ako [ay] ma-e-entertain ako. So I really watch these costumed productions like Superman, Batman, etc. Fan ako ng mga 'yan since bata ako hanggang ngayon."

Kaya naman daw nang ibigay sa kanya ang role ni Hagorn, hindi na raw siya nagdalawang-isip pa na kunin ito. Ani John, "When I got this, it's a dream come true for me. Ang sarap lang kasi minsang mag-indulge sa fantasy, nakakaalis ng stress. Sometimes kasi it's okay lang naman po na minsan we escape from reality."

READ: John Arcilla, napapagod gampanan ang role ni Haring Hagorn?

Ipinaliwanag ni John kung ano ang kanyang magiging atake kay Hagorn, ang pinuno ng kaharian ng Hathoria. "I wanna play Hagorn like a king but with human frailties. Kahit naman hari, mayroon siyang insecurities," anang aktor.

Ikinuwento rin niya ang backstory ni Hagorn. Bahagi niya, "Ang first na pain ni Hagorn ay ang pagkabigo niya sa pagmamahal kay Minea. Kumbaga, 'yung passion na 'yon, nag-turn into something really chaotic. May paghuhugutan si Hagorn, hindi siya simpleng masama lang."

MORE ON ENCANTADIA:

WATCH: Foreigner reacts to 'Encantadia' teaser trailer

Direk Mark Reyes to millennials: "Encantadia will never have the omnipotent budget of Game of Thrones"

Glaiza de Castro at Gabbi Garcia, nilinaw na hindi sila nakikipagkompitensya sa orihinal na 'Encantadia'