Showbiz News

Bakit ayaw ni Snooky Serna mag-artista ang mga anak niya?

By GIA ALLANA SORIANO


Sa interview ni Marian Rivera kay Snooky Serna sa kanyang programang Yan Ang Morning! naitanong ng Kapuso Primetime Queen kung papayag ba siyang mag-artista ang kanyang mga dalagang anak.

Mabilis na hindi ang naging sagot ng nakatatandang aktres. 

Paliwanag niya, “Aminin naman natin [na mahirap talaga.] Nagpapasalamat naman ako sa Diyos, na hanggang ngayon [andito pa rin ako,] nagsimula po ako ng three years old, and sana hanggang sa mahabang panahon pa. Pero yung downside ng showbiz, marami ring mga intriga, you lose your privacy. Kasi sila, hindi nila naiintindihan 'yung trabaho natin. And minsan 'yun 'yung nagiging conflict.”

Naikuwento ni Snooky na minsan ay pumunta sila ng mga anak niya sa mall ng biglang may mga nagpapa-picture. Aniya, niloloko raw siya ng mga anak niya na hindi na sila makapasyal dahil sa mga taong nagpapalitrato.

MORE ON 'YAN ANG MORNING!':

Alden Richards, seloso raw?

Paano nga nawawala ang isang Alden Richards?