Showbiz News

Rhian Ramos, bakit panlalaki ang ginagamit na pabango?

By BEA RODRIGUEZ

Napaka-random ng laman ng bag ni Kapuso leading lady Rhian Ramos dahil kung ano-ano ang laman nito na hindi nahahanay sa kanyang kikay na imahe.

 
Napag-alaman ng Unang Hirit barkada na panlalaki pala ang pabango ng aktres, “Pang-boys ako magpabango [kasi] amoy abs.”
 
Techie rin itong Kapuso star dahil tig-tatlo ang kanyang dala-dalang camera. Bukod sa kanyang camera phone, “May separate digital camera ako kasi may blog ako. Gusto ko mas maganda ‘yung quality ng photos [tapos] meron din akong maliit na video camera.”
 
Nang dahil sa kanyang blog, importante para kay Rhian na ma-update ito kahit saan siya mapunta kaya hindi niya nakakalimutan ang kanyang laptop. Sa ilalim nito, makikita ang polaroid photo niya kasama ang kanyang boyfriend na kuha ng kanyang kaibigan.
 
Sa loob mismo ng kanyang bago, dinampot ng Kapuso star at binuksan ang kanyang wallet. Makikita ang napakaraming cards, “‘Yung wallet ko, hindi siya puro pictures or anything like that, ang laman niya [ay] mga membership cards ko sa lahat ng stores kung saan ako regular.”
 
Kung meron man siyang kikay kit, ito ay ang kanyang mini flashlight “para maganda ang lighting ‘pag may selfie.”
 
Napoproketahan naman niya ang kanyang mga mata sa pamamagitan ng shades. Bilang aktres, importante rin na maantabayanan niya ang kanyang karera kaya handa siyang isulat ang kanyang iskedyul sa isang diary book.

 



Video courtesy of GMA News

MORE ON RHIAN RAMOS:
 
Rhian Ramos on her loyalty to GMA: "[Ten years ago,] I saw myself here"

Rhian Ramos on Solenn Heussaff: "I just look forward to bonding with her"