Showbiz News

WATCH: Ina Feleo deadlifts 145 lbs.

By MARAH RUIZ

Talagang nakakamangha ang pagpupursigi ni Kapuso actress Ina Feleo sa page-ehersisyo.

Nagbahagi siya ng isang maikling video sa kanyang Instagram account kung saan makikitang sinubukan niyang mag-deadlift ng isang barbell na may weights.

Sinong mag-aakala na kakayanin ng balingkinitang si Ina na buhatin ang kabuuang bigat na 145 lbs!

 

Isang fitness nut si Ina. Hilig niya ang circuit training at yoga para mapangalagaan ang kanyang pangangatawan. 

Mayroon din siyang blog kung saan ibinabahagi niya ang kanyang workouts at ilang tips sa page-ehersisyo.

Kasalukuyang mapapanood si Ina sa GMA Afternoon Prime series na Hanggang Makita Kang Muli, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Magkaibang Mundo. 

MORE ON INA FELEO:

Ina Feleo, nahihirapang magpaalam sa kanyang karakter

LOOK: Ina Feleo tries room escape game