Showbiz News

WATCH: Stephanie Sol's different reactions to 'Tumaba ka yata'

By MARAH RUIZ

Nag-open si Kapuso actress Stephanie Sol tungkol sa ilan sa kanyang mga karanasan ukol sa kanyang timbang. 

Bilang isang artista, kasama sa puhunan ng kanyang trabaho ang pagpapanatili ng panlabas na anyo—partikular na ang magandang figure. 

Kaya naman minsan, 'di maiiwasang masaktan ni Stephanie sa mga komentong patungkol sa kanyang timbang.

Idinaan naman niya sa isang nakakatawang video ang ilan sa kanyang mga reaksyon sa komentong, 'Tumaba ka yata.'

 




"I'm not sure if everyone can relate but being a yo-yo dieter, I've always had moments of weight gain and weight loss. I don't know about you, but every time others ask me 'why or how did you get fat?' I feel offended. Don't get me wrong, I use it to fuel me. It gets me motivated to do something about it—to work out and try to eat healthier. I know concerned lang naman kayo so peace tayo," sulat niya sa description ng kanyang video.

 

Bukod dito, inanyayahan din niya ang mga netizens na mag-iwan ng komento o mga suhestiyon para sa iba pang video na balak niyang gawin.

Bukod sa kanyang You Tube channel, mapapanood din si Stephanie sa upcoming GMA Afternoon Prime series na Sinungaling Mong Puso kasama sina Rhian Ramos, Rafael Rosell, Kiko Estrada at Jazz Ocampo.

MORE ON STEPHANIE SOL:

Stephanie Sol shows off abs for birthday shoot

Stephanie Sol on climbing mountains: "Na-in love ako sa kanya"