Showbiz News

Ano'ng reaksyon ni Aiai Delas Alas nang mapanood ang raw footage ng kanyang pagganap bilang prostitute?

By BEA RODRIGUEZ

Seryoso ang mukha ni Aiai Delas Alas nang mapanood ang “rushes” o ang raw at unedited footages ng kanyang upcoming independent film na Area kasama ang producers nito. 


Nasungkit na nga ng Kapuso star ang kanyang dream role kaya malapit ito sa kanyang puso, “Mahal na mahal ko ‘tong pelikulang ‘to [kasi] madami ako natutunan.”
 
Ito rin daw ang first serious role ng kanyang co-star at anak na si Sancho Delas Alas dahil sa sensitibong paksa ng pelikula tungkol sa mga prostitute sa Angeles City, Pampanga na diumano’y base sa totoong kuwento. 


Nag-post pa ang beteranang aktres ng litrato kasama ang kanyang first-time director na si Louie Ignacio at ang kanyang Area co-stars. Saad niya, “[Masaya] kami sa set, lalo na [ang] mga kasama ko na girls sa mga [eksenang] sensitibo. [It is] a must see movie.” 


Sa comment section ng kanyang post, may isang Instagrammer na naglahad ng kanyang karanasan sa mismong lugar na tampok sa ginagawang pelikula ng aktres.
 
Naintindihan naman ito ng Sunday PinaSaya host at Hay Bahay star  kaya siya ay nagkomento, “Malalalim ang kwento ng Area at marami kang matututunan.”
 
Kahit nahirapan si Aiai gumanap bilang matandang prostitute sa Area, enjoy naman siya sa paggawa nito lalo nang hindi siya madalas gumawa ng mga pelikulang may malalim ang tema.