Showbiz News

Mark Herras, hindi sinukuan ang panliligaw kay Wyn Marquez

By MICHELLE CALIGAN

Sipag at tiyaga daw ang sikreto ni Mark Herras para sagutin siya ng girlfriend na si Wyn Marquez noong nililigawan pa lang niya ito. Tatlong beses daw siyang binasted ng dalaga bago nakuha ang matamis na oo nito.

READ: Mark Herras on why he finally made his relationship with Wyn Marquez public

Bakit kaya niya hindi sinukuan ang panliligaw kay Wyn?

"Kasi once na nanliligaw ka sa isang tao, and then binasted ka, tapos sumuko ka, or kahit ilang beses kang binasted, kapag sumuko ka parang sinasabi mo na hindi ka talaga karapat-dapat sagutin ng tao kasi nag-give up ka agad. If you really like the person, if you are really sure na gusto mo siyang maging karelasyon at makabuo ng future together, bakit ka naman susuko basta-basta?" pahayag ni Mark sa ilang miyembro ng entertainment press sa presscon ng Sa Piling Ni Nanay.

Dagdag pa niya, "Ako naman talaga, naniniwala ako na magkakaroon ako ng chance kay Wyn kasi siyempre kung gusto mo talaga ang tao, hindi mo naman pababayaan."

Hindi daw sinabi ni Wyn ang dahilan kung bakit siya ni-reject ng tatlong beses.

READ: "Love life can wait" - Wyn Marquez

"Sinasabi lang niya na ayaw niya, na hindi pa siya ready, ganun."?

MORE ON MARK AND WYN:

Paano nabago ni Wyn Marquez si Mark Herras?

Mark Herras and Wyn Marquez spend time together in Hong Kong