Showbiz News

Special coverage ng inauguration bukas, mapapanood sa Kapuso network

By MICHELLE CALIGAN

Bukas, June 30, ay opisyal nang uupo bilang Pangulo at Pangalawang Pangulo ng bansa sina Rodrigo Duterte at Leni Robredo. Mapapanood ang special live coverage ng kanilang inauguration sa GMA Network simula 8:05 a.m. hanggang 1:00 p.m.

Dahil dito, may ilang pagbabago sa program schedule tuwing Huwebes. Ang Unang Hirit ay eere hanggang 8:00 a.m., at susundan ng San Miguel Home Foodie hanggang 8:05 a.m. Ang inauguration ni Vice President-elect Leni Robredo, na pinamagatang Panata sa Bayan, ay mapapanood mula 8:05 a.m. hanggang 10:00 a.m. Kasunod nito ang kay President-elect Rodrigo Duterte, ang DU30: Panata sa Pagbabago na matatapos ng 1:00 p.m. Susundan naman ito ng  Eat Bulaga.

Ito naman ang mga programang muling mapapanood sa Biyernes, July 1, sa pagbabalik ng regular programming: Shaman King, Doraemon, Pokemon, Bleach, Dragon Ball Z, Yan ang Morning!, Mamaw-in-Law, I Heart You Doc, Calle Siete at Magkaibang Mundo.

Abangan at tutukan ang live coverage ng GMA News bukas!