EJ Obiena, nasungkit muli ang gold medal sa Asian Athletics Championships

GMA Logo EJ Obiena
Courtesy: ernestobienapv (IG)

Photo Inside Page


Photos

EJ Obiena



May bagong tagumpay na nakamit ang Pinoy Olympian na si EJ Obiena.

Sa latest feature ng Sports Hirit sa GMA morning show na Unang Hirit, inilahad na pinatunayan muli ni EJ na siya pa rin ang King of Asian Pole Vaulting.

Siya ulit ang nakasungkit ng gold medal sa 2025 Asian Athletics Championships na ginanap sa Gumi, South Korea kamakailan lang.

Nagtagumpay siya sa kompetisyon matapos niyang ma-clear ang 5.77-meter mark.

Sa kaniyang Instagram account, makikita ang kaniyang best moments sa kaniyang napagtagumpayang laban.

Sa hiwalay na post, ibinahagi ng Filipino athlete ang isang group photo kasama ang kaniyang fellow winners.

Sulat niya sa caption ng kaniyang post, “Three-peat Asian Champion…”

Ito na ang three-peat win ni EJ mula nang siya ay maging gold medalist sa parehong kompetisyon.

Lumaban siya sa Dubai noong 2019 at sa Thailand naman noong 2023.

Samantala, alamin kung bakit binansagan si EJ bilang 'Boyfriend ng Bayan':


EJ Obiena
Pinoy Pole Vaulter 
Fast Talk with EJ Obiena
Pogi
Unusual
Funny
Sexy 
Athlete
Pinoy Pride
Routine
Humility 
Perseverance
Family 
Boyfriend ng bayan
Next game

Around GMA

Around GMA

Zelenskyy says Russia using Belarus territory to circumvent Ukrainian defenses
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve