Showbiz News

Yasmien Kurdi, mas gustong totohanin ni Katrina Halili ang mga sampal sa kanya

By MICHELLE CALIGAN

"Actually sinabi ko sa kanya na totohanin niya para makaganti ako (laughs)."

Ito ang pabirong sagot ni Yasmien Kurdi nang tanungin ng entertainment press kung paano nila pinag-uusapan ni Katrina Halili ang kanilang mga eksena sa Sa Piling Ni Nanay.

EXCLUSIVE: Yasmien Kurdi, handa na sa mga sampal ni Katrina Halili

Aminado naman si Katrina, na gumaganap bilang si Scarlet, na nag-aalangan din siya sa mga pananakit na gagawin niya sa character ni Yasmien na si Ysabel.

"Natatakot din po ako na masaktan si Yasmien, kaya nung una sumisimple-simple lang ako. Dinuduro-duro ko lang siya sa noo (laughs). Tapos sabi ng EP namin, 'Aba, padagdag nang padagdag.' Sinisimplehan ko siya kung magre-react siya."

Kuwento pa niya, "May scene kami na sampalan, sabi niya, 'Kat, totohanin mo.' Sabi ko, 'Totoo? Tototohanin ko talaga?' Eh 'di nasampal ko talaga siya, naloka ako. Niyayakap ko naman siya pagkatapos, wala naman pong galit eh."

Umaasa raw si Kat na hindi makakaganti si Ysabel kay Scarlet.

"Sabi niya, 'Sige lakasan mo, okay lang. Huwag lang ako makaganti.' Kaya kinausap ko agad ang writers, 'Huwag n'yo pong pagantihin si Yas.' Medyo nininerbyos ako pero sana hindi naman siya magalit," natatawa niyang pahayag.

MORE ON 'SA PILING NI NANAY':

Antonio Aquitania, maingat sa eksena nila ni Yasmien Kurdi

Nova Villa recalls telling Alden Richards, "Mabibigla ka na lang sa itatakbo ng iyong career"