Showbiz News

MUST-READ: Joey Mead's husband comes out as transwoman, changes name to Angelina Mead King

By ANN CHARMAINE AQUINO

Ginulat ng businessman at car enthusiast na si Ian Angelo King ang lahat nang magpost siya sa kanyang Instagram account at ipinahayag na isa na siyang transwoman. 

Bukod sa pagiging managing director ng Victoria Court at car enthusiast, si Ian ay asawa ng model/TV host na si Joey Mead King. 

Sa Instagram account ni Ian, pinasalamatan niya ang mga sumuporta at nagmamahal sa kanya.

 

"So much love and support I can't even believe how amazing everyone has been. It's hard to keep denying yourself your own truth so now this is me. Thank you so much everyone!"

Ang photo na pinost ni Ian ay mula sa isa niyang Instagram account na @hailtothe_queen_. Ipinakita ni Ian ang kanyang pagpapalit ng pangalan sa Angelina Mead King. Ibinahagi rin niya ang kanyang pasasalamat sa mga sumuporta sa kanya sa pamamagitan ng kanyang profile. 

Aniya, "The truth will set me free. Trans woman. Thank you for all your love and support."

Pinasalamatan rin niya ang kanyang asawa na si Joey sa pagsuporta sa kanya.

 

Pahayag ni Ian, "My rock and my number one supporter! @joeymeadking I Love You! #loveislove #beproud #betruebeyou #lovewins #transgender #mtf"

MORE on Angelina Mead King:

IN PHOTOS: Meet Angelina Mead King

#OutAndProud: Pinoy Transgenders