Showbiz News

Sunshine Dizon, hustisya ang hiling para sa kanyang kaarawan

By CHERRY SUN

Bakas pa rin ang lumbay sa mga mata ni Sunshine Dizon nang humarap siya sa kanyang fans na naghanda para sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan. Dito ay ibinahagi ng aktres na kabilang sa kanyang birthday wish ang kanyang pinagdaraanan sa buhay-may-asawa.

Sambit ni Sunshine sa panayam ng 24 Oras, “I’m so happy that you know, to see familiar faces. Everybody’s here. It’s so nice. Nakakataba po ng puso.”

Hindi ikinakaila ni Sunshine na nasasaktan siya sa paghihiwalay nila ng kanyang asawang si Timothy Tan. Humuhugot daw siya ng lakas mula sa Diyos, mga anak at magulang, mga totoong kaibigan, at mga babaeng hindi kilala ngunit nagbahagi ng mga kahalintulad na karanasan.

READ: Sunshine Dizon to her husband: "No annulment for you.. I will see you both in court" 

Aniya, “Medyo emotional talaga ako kapag.. Basically, I’m okay but it really you know breaks my heart every time I read their stories na ang sakit. Not only for myself but for all those women out there who [are] going through the same thing, lalaban tayo.”

“Sabi nga nila baka ito ‘yung ibinibigay sa’yo ng Diyos na maging boses ka ng mas nakakarami, mas maging mukha ka ng mas nakararami,” patuloy ng aktres patungkol sa ibang kababaihang hindi kayang ipagtanggol ang kanilang karapatan bilang isang asawa.

Maliban daw sa mabuting kalusugan para sa kanya at sa mga anak, may isa pang hiling si Sunshine.

Pahayag niya, “I just pray and wish that you know makuha namin ‘yung justice na we all deserve.”

MORE ON SUNSHINE DIZON:

READ: Sunshine Dizon files case against husband Timothy Tan 

IN PHOTOS: 10 things you need to know about Sunshine Dizon 

#FamilyGoalsNoMore: The rise and fall of Sunshine Dizon and Timothy Tan's romance