Showbiz News

Tom Rodriguez to portray an Alzheimer's disease patient in 'Someone To Watch Over Me'

By GIA ALLANA SORIANO

Very excited and kinakabahan din si Tom Rodriguez sa kanyang bagong role bilang isang Alzheimer’s disease patient para sa bagong teleserye ng GMA na pinamagatang Someone To Watch Over Me.


Ika niya sa storycon ng show, “[Parang] rollercoaster. Na-e-excite ako, at the same time, nanghihina ako. [Before this,] I never in a million years would have thought na anything like this would be possible."

Dagdag pa niya, "Siguro, I have to say this now, that this is a disease that is degenerative. So, I don’t think there will be that moments sa show namin na bigla na lang akong gagaling. Kaya, mas na-e-excite ako na gusto ko makita kung saan pupunta 'yung kuwento, kasi nga alam na na ‘yung patient is hindi siya biglang milagrong gagaling. So, it’s exciting to see where it goes.”
 
Naikuwento rin ng aktor kung gaano kaimportante na magkaroon ng awareness sa Pilipinas tungkol sa ganitong klaseng sakit.
 
Naantig din ang aktor nang malaman niya ang pagdadaanan ng bawat karakter sa Someone To Watch Over Me. Aniya, “Kanina pa lang, mga litrato pa lang, mga salita pa lang, may kurot na. Nakakaantig na. Paano pa kaya 'pag 'yung mismong produkto na.”
 
Abanagan ang Someone To Watch Over Me ngayong Agosto na!
 
MORE ON TOM RODRIGUEZ:
 
LOOK: Tom Rodriguez's manager drop hints on Instagram about new show