Showbiz News

Tom Rodriguez and Lovi Poe team-up in 'Someone to Watch Over Me'

By GIA ALLANA SORIANO

Magtatambal sina Tom Rodriguez at Lovi Poe sa bagong GMA teleserye na Someone to Watch Over Me.  


Si Tom ay gaganap bilang isang Banking and Finance professional na nagngangalang TJ. Siya ay may isang simpleng asawa, si Joanna, na gagampanan naman ni Lovi Poe.
 
Masayang mamumuhay ang dalawa, hanggang unti-unting makakalimutan ni TJ ang mga detalye tungkol sa kanyang asawa. Sa kalaunan ay malalaman ni TJ na may Alzheimer’s disease pala siya, at nabubura na sa kanyang memorya ang asawang si Joanna.

Gaano katagal niya maitatago kay Joanna ang totoo?
 
Abangan sa Someone to Watch Over Me ngayong Agosto na.
 
MORE ON TOM RODRIGUEZ AND LOVI POE:
 
LOOK: Tom Rodriguez's manager drop hints on Instagram about new show
 
IN PHOTOS: Lovi Poe's picture-perfect vacation in France