Showbiz News

Joross Gamboa, lagi raw pinapaiyak ang kanyang nanay sa guidance office?

By BEA RODRIGUEZ

Pilyo pala itong Juan Happy Love Story actor na si Joross Gamboa noong siya ay estudyante pa lamang sa St. James College of Parañaque. 


Kuwento niya sa Mars, “Medyo pilyo kasi ako noong araw. Noong time ko kasi, ‘yung barkada namin [ay] makukulit, ‘yung [tipong] nagpapaputok kami ng pla pla sa graduation [at] nag-spray [din] ako ng tear gas sa classroom.”
 
Hindi man daw siya na-kick out, pabalik-balik naman ang kanyang ina sa eskuwelahan upang humingi ng pasensiya. Pag-amin ng Kapuso star, “Lagi umiiyak ang nanay ko sa guidance office. Na-nominate siya ilang beses at nanalo rin siyang best actress.”
 
Si Calle Siete actress Lovely Abella naman ay kilala bilang si Miss Extracurricular, “Lahat sinasalihan ko talaga kahit na hindi na tugma sa boses ko, kahit na hindi naman ako singer, talagang mapasali lang ako diyan kahit a capella, push.” 


Ginagawa niya raw ito para makakuha ng mataas na marka, “Tumataas ang grade ko dahil sa [extra] curricular activities. Nakakahatak ‘yun kaya ‘yung 85 ko, nagiging 90! (laughs)."