Showbiz News

MUST-READ: Paano manligaw ang Pambansang Bae?

By CHERRY SUN

Photo by: Bochic Estrada, GMA Network Inc.

Mag-iisang taon na mula nang mabuo ang phenomenal love team nina Alden Richards at Maine Mendoza. At sa haba o iksi ng isang taon ay marami ang nakapansin na talagang napalapit ang dalawa sa isa’t isa at tila hindi na aktingan ang ginagawang pagpapakilig sa telebisyon.
 
Marami ngayon ang napapa-isip at kating kati nang magtanong ng “Alden at Maine, kayo na ba?”
 
READ: Ano ang sagot ng AlDub sa tanong na "Anong month naging kayo?"
 
Sa panayam ni Nelson Canlas para sa 24 Oras ay naitanong niya sa dalawang Kapuso stars ang tunay na estado ng kanilang relasyon.
 
Paliwanag ni Alden, “Kahit sinong tao naman, kapag meron kang palaging nakakasama, araw-araw lagi mong nakakausap, talagang may tendency na maging sobrang close talaga. ‘Yun kami ngayon ni Maine.”
 
“Kasi ‘yung relationship po namin ngayon, masaya kasi masaya kami,” dugtong ni Maine.
 
Tinanong din ni Nelson ang natanggap na katanungan mula sa isang fan tungkol sa kung paano ba manligaw ang Pambansang Bae.
 
“Ako kasi I’m very practical when it comes to everything. ‘Yung kasing ligaw, it’s an action in which you want to parang get into a serious relationship. Ako nagpapaka-totoo lang ako. Kumbaga, kung saan ako masaya, kung saan masaya si Maine, ‘yun lang ‘yung lagi naming ginagawa,” ani Alden.
 
Nagkomento rin siya tungkol sa pagkakaroon ng labels sa isang relasyon.
 
Pag-amin niya, “I really don’t get bakit gustong-gusto ng taong makarinig ng labels, girlfriend, boyfriend, kung sila na.  Kami, masaya kami ngayon [with] what we have. We don’t need to parang say something for the people to see that we’re not happier than what we are now. It’s just us.”
 
MORE ON ALDEN RICHARDS AND MAINE MENDOZA:
 
READ: Kissing scene nina Alden Richards at Maine Mendoza, isa sa mga dapat abangan sa Imagine You & Me? 

EXCLUSIVE: At the press conference of Imagine You & Me