Showbiz News

Donita Nose, naging emosyonal ang mensahe para sa yumaong ama tungkol sa kanyang kasarian

By BEA RODRIGUEZ

 

Laking San Mateo, Makati si Rodello Solano o mas kilala bilang komedyanteng si “Donita Nose” at co-host ni Kapuso star Willie Revillame sa hit afternoon game show na Wowowin.

READ: Donita Nose, naging emosyonal matapos ang kanyang bonggang birthday prod sa ‘Wowowin’

Lingid sa kaalaman ng iba, hindi pala siya tanggap sa kanyang pamilya dahil sa kanyang napiling kasarian kahit siya ay isang mabait at ulirang anak.

Kuwento ni Donita Rose sa Tunay Na Buhay, “Bading talaga ako. Siguro ayaw niya so madalas akong masaktan, as in ‘pag hinampas niya ako, ang target niya [ay] ulo eh [at] talagang hindi ka niya tatantanan.”

Hindi naging masaya ang kanyang  kabataan dahil sa pangungutya ng kanyang sariling pamilya. Dagdag ng stand-up comedian, “Mga kapatid ko dati [ay] binu-bully ako, pinag-iinitan, pinagti-tripan, iiyak tapos tatakbo sa mama ko.”

Madalas raw siyang pagbuhatan ng kamay ng kanyang ama kaya napilitan ang kanyang ina na ilayo siya sa Iligan City, Lanao del Norte kung saan nakapagtapos siya ng high school sa loob ng apat na taon.

Nahirapan umano siya dahil sa pangungulila sa pamilya, “Mas kinaya ko pang saktan na lang ako ng pamilya ko kaysa doon.”

Nang umuwi na siya ng Maynila ay tila natanggap na siya ng kanyang ama na pumanaw kaagad makalipas ang isang buwan.

Naging emosyonal si Donita habang isinaalaala ang huling sandali kasama ang kanyang ama na pinagbilinan niya ng mensahe sa show.

“Sabihin ko talaga sa kanya, hindi ako nagkamali sa pinili kong buhay na maging isang bading kasi ito ako ngayon. Kasi kung lalaki ako, malamang hindi ako host ng Wowowin [at] hindi ako nakakatulong sa pamilya ko. Sana maging proud ka kahit wala ka na,” pagtatapos ng TV host.

MORE ON DONITA NOSE:

 

READ: Donita Nose, higit pa sa trabaho ang nakuha mula sa pakikipagtrabaho kay Willie Revillame

 

Donita Nose, hindi raw pala-boyfriend?