TV

The Mountain ng 'Game of Thrones,' kumpirmadong kabilang sa cast ng 'Encantadia'

By AL KENDRICK NOGUERA

Sa fans ng Game of Thrones, asahan ninyong mapanood ang isa sa characters ng paborito ninyong American drama series dahil opisyal nang sasabak sa Encantadia ang tinaguriang The Mountain ng sikat na TV show.

Kinumpirma ni Nelson Canlas sa 24 Oras ang mabuting balita. Ayon kay Conan Stevens, hindi pa raw niya puwedeng banggitin ang kanyang role ngunit mayroong siyang ibinigay na ilang clues.

"I can't talk about it but I can say that I tend get typecasted. So you can probably expect more of the same. Big, imposing, I tend to get those roles," pahayag ni Conan.

Matatandaang bumisita si Conan sa set ng Encantadia kamakailan lamang kung saan nakasalamuha niya ang mga aktor ng inaabangang GMA telefantasya.

LOOK: 'Game of Thrones' actor Conan Stevens spotted in 'Encantadia' taping

MORE ON 'ENCANTADIA':

WATCH: Encantadia's official full trailer

EXCLUSIVE: Ruru Madrid on Gabbi Garcia: "Sobrang madaling katrabaho"

Robin Padilla, siniguradong maraming baong physical skills si Kylie Padilla sa 'Encantadia'