Showbiz News

Aljur Abrenica, nagpapasalamat sa mga taga-suporta ng 'Once Again'

By BEA RODRIGUEZ

Matatapos na ngayong linggo ang high-rated Primetime soap na Once Again at malaki ang pasasalamat ng Kapuso star na si Aljur Abrenica sa mga sumubaybay nito.

“I’m just happy na nabibigyan po ng pansin ng mga tagapanood natin [at] taga-suporta ang Once Again,” kuwento ng aktor sa Unang Hirit.

Mula nang bumalik siya sa showbiz noong nakaraang taon sa pamamagitan ng romantic drama na Dangwa, sunod-sunod na ang acting projects ng aktor kabilang ang kanyang mga independent films.

Unting-unti na siyang nakikilala bilang serious actor dahil sa kanyang talento sa pag-arte at pagganap ng iba’t ibang karakter mula sa EDSA, Expressway at ang kanyang nalalapit na Cinemalaya film na Hermano Puli.

READ: Kris Bernal and Aljur Abrenica’s indie film ‘EDSA’ wins big in World Premieres Film Festival

“Fulfilled” ang kanyang paglalarawan sa estado ng kanyang karera. Dagdag pa niya, “As an actor, it’s a fulfillment dahil dapat versatile ka.”

Masaya ang hunk actor sa tiwala na kanyang natatanggap kaya hindi nakakapagtataka kung bakit maaliwalas siya ngayon.

Hindi tuloy naiwasan ng host na si Lhar Santiago tanungin kung may nagpapatibok na ba ulit sa puso niya. Ang naging sagot ni Aljur, “In love po ako sa buhay ko ngayon [kasi] para po tayong nagsisimula ulit.”

EXCLUSIVE: Aljur Abrenica dedicates his song ‘Mahal Pa Rin Kita’ to the Kapuso network 

 

 




MORE ON ALJUR ABRENICA:

Aljur Abrenica stresses importance of family in his career 

EXCLUSIVE: Ano ang malakas makapagpapogi kay Aljur Abrenica?