Showbiz News

Ano ang isinulat ni Alden Richards para sa ka-love team niya sa kaniyang libro na 'Alden: In My Own Words?'

By AEDRIANNE ACAR

Matapos ang highly successful movie ng MaiDen na Imagine You & Me, may bagong aabangan ang AlDub Nation sa Kapuso actor na si Alden Richards.

Kamakailan lang ni-launch ng Pambansang Bae ang kaniyang book na may title na Alden: In My Own Words.

Sa panayam ni GMA showbiz reporter Aubrey Carampel sa 24 Oras ngayong Huwebes ng gabi, July 21, ni-reveal din ni Alden ang ilang detalye patungkol sa kaniyang libro. 

Aniya, “Nandun po ‘yung bits and pieces po ng mga detalye ng buhay ko. Mayroong special page po dun for MaiDen.”

Nagkuwento rin si Alden na bukod sa mga shows niya sa Singapore (July 24) at London (October 2), posible din daw siyang makasama ng mga Kapuso loyalista natin sa Amerika.

Saad ng Kapuso actor, “Baka mayroon pa pong mga states sa US na pupuntahan bago po ako magpunta ng London. Yes po mga Kapuso, stay tuned lang po at lagi pong manood ng GMA Pinoy TV.”

MORE ON MAIDEN:

LOOK: The star-studded grand premiere night of 'Imagine You & Me'

Mga sikat na celebs na idolo ang AlDub
   
Alden Richards's book is now available!