Showbiz News

Bagong episodes ng 'Doraemon,' maapanood na sa GMA!

 

 

Narito na ang bagong season ng Doraemon!

Tampok ang mga bago at hindi pa napapanood na episodes kasama ang cat robot na si Doraemon at ang mga kaibigan niyang sina Nobita, Shizuka, Damulag at Suneo. 

Samahan sila sa mga bagong adventures, tuklasin ang mga bagong gadgets at bisitahin ang mga bagong lugar kasama ang buong barkada. 

Tunghayan ang bagong season ng Doraemon, simula July 25 at 8:05 am, sa nag-iisang GMA Astig Authority.