Showbiz News

EXCLUSIVE: Alden Richards, magkakaroon ng first official Twitter Q&A habang nasa Singapore

Nasa Singapore bukas (July 24 ) si Pambansang Bae Alden Richards para sa kanyang concert na 'One Fine Day with the Bae.'

Gaganapin ito sa Kallang Theater kung saan makakasama niya si Rock and Soul Diva na si Aicelle Santos pati na ang komedyanteng si Kim Idol.

Habang nasa Singapore, magkakaroon si Alden ng isang Twitter Q&A! Ito ang unang pagkakataon na opisyal na iho-host at susuportahan ng Twitter ang isang Q&A para sa isang GMA artist.

Para sa okasyong ito, ipagagamit din ng Twitter kay Alden ang kanilang eksklusibong Twitter Q&A app na ipinagagamit lamang sa piling mga celebrities para makapagpadala sila ng mga video responses sa mga tanong na matatanggap nila. 

Ang Twitter Q&A ni Alden ay gaganapin bukas, July 24, 2:00 PM. Gamitin lamang ang hashtag na #AskAlden para makapagpadala ng mga tanong sa Pambansang Bae. Huwag din kaligtaang i-follow si Alden sa kanyang Twitter account na @aldenrichards02. 

MORE ON ALDEN RICHARDS:

Alden Richards to spend 'One Fine Day in Singapore'

Ano ang isinulat ni Alden Richards para sa ka-love team niya sa kaniyang libro na 'Alden: In My Own Words'