Showbiz News

Aiai Delas Alas, magpapakasal na ulit?

By BEA RODRIGUEZ

Inanunsiyo ni Kapuso star Aiai Delas Alas noong Sabado, July 23 na inaprubahan na ng QC RTC ang kanyang petition na ideklara na siya ay diborsiyado na sa kanyang dating asawa na si Jed Salang at puwede na raw siya muling ikasal.
 
“Mega super single na ako,” ang kanyang naging post sa Instagram kaya marami ang nagulat at naguluhan sa estado ng kanyang buhay pag-ibig.
 
Nilinaw ng Philippine Queen of Comedy na “single” na ang kanyang marital status ngunit sila pa rin ng kanyang nobyo na si Gerald Sibayan.

 
READ: Aiai Delas Alas on relationship with Gerald Sibayan: “Kapayapaan, finally”
 
Magpapakasal na ba ulit ang Box Office Queen? “[HINDI] PA DIN AKO MAGPAPAKASAL. MATAGAL PA,” binigyang diin ng aktres.
 
Ipinagbunyi ni Aiai ang kanyang marital status, “Ang kagandahan lang [ay] malinis at wala na akong problema kung magpapakasal ako.”
 
READ: Gerald Sibayan calls Aiai Delas Alas his “everything” in second anniversary greeting
 
Nagbiro pa ang Sunday PinaSaya star sa mga taong nag-a-apply umano sa kanya, “Sa mga humahanga [sa akin], salamat pero taken na lola [niyo]. Sa edad kong ‘to, may gusto pang manligaw [at] nagpadala pa ng pictures. Sobrang laughtrip talaga! (laughs)”