Showbiz News

Eugene Domingo, nakatanggap ng sorpresa at pagbati sa kanyang kaarawan

By CHERRY SUN

Ilang mga kaibigan at katrabaho ang nagpaabot ng pagbati sa kaarawan ni Eugene Domingo.

Isa sa mga bumati sa kanya ay ang kanyang matalik na kaibigan na si Aiai Delas Alas. Ibinahagi ng kanyang kapwa komedyana ang kanilang video na nagkukulitan.

“Happy birthday bff for all seasons. Hehe. Sa lahat ng oras at panahon bf (best friends) tayo. Labyu. Have a blast,” sambit ni Aiai.

Napa-reminisce naman ang mga dati niyang nakasama sa industriya tulad nina Angelica Panganiban at Terry Gian.

“Still and will always be my favorite komedyana slash aktres. Happy birthday Ate Uge. Tutok tayo habang buhay,” ani Angelica.


Pinost naman ni Terry sa kanyang Instagram ang kanilang litrato na kuha pa mula sa kanilang pelikulang Paano Kita Iibigin na siyam na taon na ang nakalipas.

Pag-alala ng aktor, “Naalala ko pa sinasabay mo ako sa sasakyan mo going to and from Zambales. Iba ka ate, talented na at super bait pa. Til now pag nagkikita tayo ramdam ko na mahal mo ako. I’m your forever fan at mahal na mahal kita. Wishing you more blessings and happiness ate. Love you ng todo ate. God bless!"


Hindi rin nakalimot bumati ang mga bago niyang nakatrabaho.

“Happy birthday Dear Uge,” pahayag ni Thea Tolentino.


“May your coming year surprise you with the happiness of smiles, the feeling of love and so on. I hope you will find plenty of sweet memories to cherish forever. Happy birthday, Uge,” wika naman ni Fabio Ide.


Sa episode ng Dear Uge noong July 24 ay sinorpresa rin si Eugene. Kabilang sa mga dumalaw sa kanyang programa ay sina Direk Joyce Bernal at Tony Mabesa na kanyang itinuturing na ama at mentor.

Sa pagkakataong  ito ay ibinahagi ng host ang kanyang mga dalangin.

“I sincerely wish na mas maging matagumpay pa ang Dear Uge. Patuloy tayong makapagpaligaya sa audience. I wish for my fellow actors here, Direk Joyce Bernal and Epy and Mr. Roi Vinzon and Candy and everybody here in the cast, na mas maging makulay pa ang mga career ninyo ‘casue we only want the best entertainment for our audience. And, seriously I really wish and pray for world peace,” hiling ni Eugene.

Idinaan din niya sa isang awitin ang kanyang pasasalamat sa lahat ng nakaalala sa kanya.


MORE ON EUGENE DOMINGO:

READ: Eugene Domingo, magbibigay-payo sa mga taong may hugot

WATCH: Eugene Domingo's fitness regimen

IN PHOTOS: Kapuso characters of Eugene Domingo