Showbiz News

Inday Sara Duterte, nag-react sa kontrobersyal na camera angles sa unang SONA ni Pres. Duterte

By AL KENDRICK NOGUERA

Maraming manonood ang nagbigay ng kani-kanilang mga reaksyon tungkol sa mga kakaibang anggulo ng camera sa ginanap na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, July 25.

Ang multi-awarded director na si Brillante Mendoza ang siyang nag-direct ng kauna-unahang SONA ni Duterte. Ayon sa ilan, hindi na raw nararapat ang mga kakaibang camera angles ng batikang direktor ngunit ang iba naman ay natuwa sa kanyang pagiging creative.

Sa Instagram post ng anak ni Duterte na si Inday Sara Duterte, idinaan na lamang ng Davao City Mayor sa isang biro ang isyu kakabit ng isang creative screenshot mula sa SONA.


"Fibonnacci spiral is a cinematography term for nadagma na cameraman angle. Hahahahahaha #toofunny #goodvibes," saad ni Inday Sara sa kanyang caption.

Dahil hindi nakapunta si Inday Sara sa SONA ng kanyang ama dahil sa medical reasons, ibinahagi na lang niya ang kanyang mensahe kay Duterte. Aniya, "Congrats Digong on your first SONA. Klaro wala ka nag-practice reading sa teleprompter ha. Hahaha. Ikaw na gyud."

MORE STORIES ON PRES. DUTERTE'S SONA: 

IN PHOTOS: Mga personalidad at kanilang kasuotan sa #Du30UnangSONA

Netizens, pinuri si Bayang Barrios sa pagkanta ng 'Lupang Hinirang' sa SONA ni Pres. Duterte

MUST-READ: Celebrities laud President Duterte's plan to lower personal & corporate income taxes