TV

Mga gumaganap na batang Sang'gres, naghanda rin nang husto para sa 'Encantadia'

By AL KENDRICK NOGUERA

Malapit nang magpaalam ang mga gumaganap na batang Sang'gres sa Encantadia dahil masisilayan na mamayang gabi sina Kylie Padilla, Gabbi Garcia, Sanya Lopez at Glaiza de Castro sa iconic GMA telefantasya.

Kylie Padilla, Gabbi Garcia, Sanya Lopez at Glaiza de Castro, lalabas na mamaya sa 'Encantadia'

Ayon sa ulat ni Aubrey Carampel sa 24 Oras, kahit saglit lamang mapapanood ang mga batang Sang'gres ay naghanda pa rin sila nang husto para sa kanilang roles.

Kuwento ng gumaganap na Young Pirena na si Barbara Miguel, kailangan niya raw galingan dahil sa kanyang Ate Glaiza. Saad niya, "Kinakabahan ako kasi big deal na magampanan ko 'yung young Pirena kasi sobrang galing din po ni Ate Glaiza kaya ang hirap tapatan."

Bahagi naman ng half-Filipino half-American na si Dayara Shane, gusto niya raw talagang pasukin ang showbiz noon pa man. "Actually three years old pa lang po ako pangarap ko na maging artista," anang child actress na gumaganap na Young Amihan.

IN PHOTOS: Meet Dayara Shane, ang gumanap na batang Amihan sa 'Encantadia!'

Samantala, ang nagbibigay buhay naman sa Young Alena na si Althea Ablan ay umaming idolo niya si Gabbi. Aniya, "Medyo po kinakabahan po ako nung una kasi po Encantadia po 'to eh. Nag-pray po talaga ako. Sabi ko, I'll do my best para makaya ko 'to."

Saad naman ng nine-year-old na si JC Movido, binalikan niya raw ang original Encantadia series para pag-aralan ang role ni Danaya. "Inaral ko po 'yon nang mabuti. Nanood po ako [sa] YouTube para po magampanan po 'yung [role ko] bilang [Young] Danaya," ani JC.


Abangan ang paglaki ng mga batang Sang'gres sa Encantadia, mamayang gabi na pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.

MORE ON ENCANTADIA:

QUIZ: Sinong 'Encantadia' Sang'gre ka?

Sanya Lopez, nangakong gagalingan para mapantayan ang orihinal na Sang'gre Danaya na si Diana Zubiri

Gabbi Garcia, lalong ginaganahan sa 'Encantadia' dahil sa magandang feedback ng viewers