Showbiz News

Neri Naig on husband Chito Miranda: 'Siya ang private nurse ko'

By AEDRIANNE ACAR

Ibinahagi ng aktres na si Neri Naig ang kaniyang pinagdadaanan habang ipinagbubuntis niya ang anak nila ng Parokya ni Edgar vocalist Chito Miranda sa Instagram.

Sa post ni Neri sa photo-sharing app last July 26, ini-reveal niya ang ilan sa mga nararanasan niya habang siya ay buntis.

Kuwento ng soon-to-be mommy sa Instagram, “Bundat si buntis! Haha! Minsan malaki tyan ko, minsan parang bundat lang. Nung first trimester ko, wala akong diet diet. Wala namang pinagbabawal sa akin except sa raw food, salad, at milk. Yes, lactose intolerant ako. Sobrang sakit ng tyan ko kapag nakainom ng gatas, 'yung tipong tinatakbo na sa hospital. Mas grabe reaction ng tummy ko ngayong buntis ako.”

Ayon sa misis ni Chito na napakahirap daw ang pagbubuntis, dahil may pagkakataon na hindi tinatanggap ng katawan niya ang ilang pagkain.

May mga weird din siyang nararanasan tulad na lang na ayaw niya ang amoy ng detergent.

“Nung second trimester, marami na akong 'di tinatanggap na food. Ayaw ko na ng amoy ng seafood. As in hilo at duwal ako. May ayaw akong amoy na detergent, bahong baho ako. Ayaw tanggapin ng tyan ko 'yung avocado, sinusuka ko talaga. Thrice na ako kumain ng avocado, tatlong beses din ako nagsuka. Ayaw ko ng amoy ng ginisang kamatis at onion. Hilong hilo akooo! Paborito pa naman ni Chito yung sarsyadong fish.”

“Lately, nagreact tyan ko sa bagoong balayan. Naospital pa ako kase nagsusuka na ako tapos hihimatayin na ako sa sooooobrang sakit. Akala ko talaga nagle-labor na ako kase grabe yung sakit. Halos hindi ako makatayo. Buti na lang andun asawa ko at natakbo niya na ako sa ospital. Buti ok naman si baby.”

Hindi na din daw siya makapaghintay na ilang araw na lang ay makikita na niya ang kaniyang baby at ngayon pa lang daw ay napakalikot na ng kanilang supling.

“Malapit na rin akong pumasok sa third trimester, sobrang excited na ako! Feeling ko biglang lolobo tummy ko kapag 8th month na. Same ng ate ko, pagka 8th month nya, biglang lobo. Kaya panay pahid ko talaga ng oil! Pero kitang kita ko na mga ugat sa chest at tummy ko!

Dagdag niya, “Kahapon, sobrang likot ni baby! Panay sipa! Sumakit katawan ko, pagod na pagod ako. Kinakausap ni Chito yung baby namin, sumasagot ng sipa! Malakas ha! Hahaha! Nakakatuwa!”

Panghuli, nagpasalamat at pinuri ni Neri ang kaniyang mister na laging nakaagapay at nakakataba daw ng puso ang dedikasyon ng OPM singer sa kaniya.

Aniya, “Maswerte ang mga nanay na di nakaranas ng hirap sa pagbubuntis at mas maswerte ang mga asawa niyo, haha! Nakikita ko talaga kase yung pasensya, pagod, at puyat ni Chito sa akin lalo na kapag sumasama na naman pakiramdam ko. Siya ang private nurse ko.”

 

More on NERI NAIG:

Neri Naig-Miranda, kinilig kay Marian Rivera

Parokya ni Edgar vocalist Chito Miranda reveals wife Neri Naig suffered a miscarriage