Showbiz News

Christian Bautista opens up about his 'minsan private, minsan public' love life

By MICHELLE CALIGAN

"Antagal kong natago no?'"

Ito ang nakatatawang pahayag ni Christian Bautista kasabay ng kanyang pag-amin na halos isang taon na sila ng kanyang non-showbiz girlfriend na si Kat Ramnani.


READ: Christian Bautista is dating top telecom company's Head of Music Content, Kat Ramnani

Hindi daw inasahan ng singer-actor na sa isang escape room niya makikilala si Kat, na isinama lamang ng isang kaibigan.

"Sinama siya ng friend ko tapos doon na lang kami nagkakilala. I didn't expect. [Sabi ko,] 'Ay parang nakita ko na itong girl na 'to sa isang magazine article before.'"

Dahil sanay rin sa mundo ng showbiz si Kat kahit hindi ito artista, sanay na rin ito sa pagiging celebrity ng kanyang boyfriend. Ano naman ang naituturo ni Kat kay Christian?

"She's really smart, so andami kong natututunan sa kanya in terms of detail, improving your capacity or doing your best. Hindi puwede 'yung puwede na."

Nang tanungin kung si Kat na ba ang babaeng papakasalan niya, ito ang naging maiksing sagot ng Encantadia star.

"Sana siya na."

MORE ON CHRISTIAN BAUTISTA:

Christian Bautista admits it's his personal choice to concentrate on acting

Christian Bautista inks two-year contract with GMA Network