Showbiz News

EXCLUSIVE: Rafael Rosell, baril ang naging inspirasyon para sa role

By MARAH RUIZ

Unti-unti nang lumalabas ang tunay na kulay ng karaketer ni Rafael Rosell na si Roman sa GMA Afternoon Prime series na Sinungaling Mong Puso

Kaya naman tinanong namin siya kung paano nga ba niya binuo ang kanyang karaker. 

WATCH: Ang sikreto ni Roman

"Pinakita sa akin na magaling daw sa baril or mahilig sa baril si Roman. I'm anti-violence kasi. I don't really like guns and killing people. Pero to have to jump into that, it took a lot from me talaga," paliwanag niya sa isang eksklusibong panayam ng GMANetwork.com

"I started with my fear—kung bakit ba ako takot sa mga taong may hawak na baril. I studied the gun. I studied kung paano [gamitin] 'yung mga piyesa niya, kung paano linisin," dagdag nito.

Sa pag-aaral niya nito, may nadiskubre raw siya tungkol sa kanyang sarili.

"Napansin ko, it's not really the gun that scares me, it's the person who holds it. With or without weapon, kung ano mang weapon iyan, it's not the weapon that's scary, it's the person holding it," bahagi niya.

Isa raw ito sa mga naging susi sa pagbuo niya sa karakter ni Roman. 

READ: Rafael Rosell, umaming labas sa kanyang comfort zone ang bagong role

"'Yun 'yung na-discover ko doon—it's to portray power with responsibility. The ability to lose that sense of mind and abuse the power that I've been given, siguro 'yun 'yung nakikita ko for now. Pero of course mag-e-evolve pa 'yan," ani Rafael. 

Abangan ang patuloy na pagbabago ng karakter ni Rafael na si Roman sa Sinungaling Mong Puso, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Magkaibang Mundo sa GMA Afternoon Prime. 

MORE ON RAFAEL ROSELL:

Rafael Rosell, handang maikumpara kay Gabby Concepcion

Gabby Concepcion, malaki ang tiwala kay Rafael Rosell sa 'Sinungaling Mong Puso'