Showbiz News

WATCH: Camille Prats, paano nagre-react sa mga lider-lideran?

By BEA RODRIGUEZ


Isang masayang chikahan ang naganap sa Mars tungkol sa pagiging boss or leader ng mga Kapuso stars sa kani-kanilang buhay pag-ibig.

“Feeling ko leader [ako] pero sabi ni VJ [ay] ‘bossy’ daw ako,” ibinahagi ni Mars host Camille Prats. Iniiwasan niya na raw ang ganito niyang katangian, “I try to be more of a leader kasi medyo conscious ako eh na I tend to have a very strong personality.”

Pinag-iisipan na raw ng aktres nang mabuti kung ano ang kanyang sasabihin at gagawin para hindi na siya lumabas na bossy.


Hindi naman  naiwan ng actress-TV host na isama sa usapan ang mga taong “feeling leader.” Aniya, “There’s always one in the group na galing-galingan. Merong lider-lideran na walang saysay, Mars.”

Ito raw ang mga taong mapilit sa kung ano ang gusto nilang mangyari kaya nagbibingi-bingihan na lamang si Mars Camille.

Patawa niyang ikinuwento, “Hindi na lang ako sasagot, kunwari wala akong naririnig kasi ang mga lider-lideran, hindi sila magpapatalo so quiet ka na lang.”

Sinang-ayunan naman ito ni Mars Tess Bomb, “’Wag mo nang patulan. Dedma!”

 

 


MORE ON CAMILLE PRATS:

 

Camille Prats, tuwing kailan nagmamaldita? 

How does Camille Prats react to offensive comments?